Kagabi palang malakas na ng sobra ang ulan sa buong metro manila. Sa tagal ko ng nagtratrabaho sa pinagtratrabahuhan ko at sa daming beses na inabutan ako ng ulan sa building na yun kahapon ko lang naranasan yunghampas ng malakas na hangin sa 44th floor ng OCC, yung hangin at hampas ng ulan na akala mo nasa bahay ka lang na na bungalow "hoy bagyo building ito" sabi ko nalang sabay tawa kasabay ng pag iling ko. Bandang gabi, madalas akong mag overtime sa opisina sa dami ng ginagawa, mga 8pm ako nakakapag out. Kagabi, sa lakas ng ulan ayaw na ata kaming pauwiin, sabi ko nalang," kanya kanya ng pwesto kung san matutulog" pero una kong ginawa? nagdasal, "Lord, patigilin mo naman kahit sandali yung ulan para makauwe lang kami" at... tumigil ito. :) Pag ka uwe ko ng dorm tska umulan ng malakas ulit natulog ako agad. Kinaumagahan, Baha na...... wala akong magawa kundi lumusong at bitbit ang mga damit at gamit ko sumakay ako ng bus, pag baba sa pangalawang sasakyan ko wala na, kulang nalang surf board, anlalaki na ng alon kapag dumadaan ang kapwa bus na sinasakyan ko.
Apat na taon akong nag aral sa maynila, dumadating din naman ang mga pagkakataon na inaabot ako ng ulan ngunit hindi sa ganitong pangyayari. Nung bumabyahe ako nakikita ko yung mga batang lumalangoy sa hangang tuhod na baha sa Lawton, Maynila. Sa bawat minuto na lumilipas wala akong nabanggit kundi "GUSTO KO NA MAKAUWI". Rason ko? Yung umuulan tapos magkkwentuhan kayo ng pamilya mo sa sala habang nag kakape at ang iba ay nag chachampurado at tuyo. Nung mga oras na bumabyahe ako, sabi ko "Lord, makauwe lang po" at... tumigil uli ito. Pag tapak ko sa gate ng bahay namen sabi ko sana gising sila, pag dating ko napaluha ako, sabi ko "akala ko dina ko makakuwe" habang sila ay nagkwekwentuhan at kumakaen ng champurado. Si nanay (lola ko) sinandukan ako ng mainit at masarap niyang champurado at dali-dali sumali sa kwentuhang pamilya.
Ang sarap lang sa pakiramdam na sa kabila ng mga problema at kung anu-ano pa, pag uwi ko nawawala lahat ito, lalo na pag andyan na ang pamilya ko. :)
Salamat Lord.
xo, A. ❤
No comments:
Post a Comment